Posts

Showing posts from April, 2021

Aralin 4: Pagsulat ng Bionote

Image
 Unang Semestre: Ika-20 ng Abril 2021 Screenshot ng Klase Awtput #4: Pagsulat ng Bionote Repleksiyon Sa araling ito ay tinuruan kami tungkol sa bionote. Ngunit bago simulan ang talakayan, nagkaroon kami ng isang group activity. Naatas sa aming grupo ang maghanap ng impormasyon patungkol sa bayograpi. Sa araling ito ay natutuhan ko na ang bionote ay isang maikling tala ng personal na impormasyon. Nalaman ko ang katangian ng isang mahusay na bionote sa pamamagitan ng baligtad na tatsulok – naglalaman ito ng edukasyon, propesyon, karangalan at karagdagang detalye. Natutuhan ko rin kung paano gumawa ng bionote sa pamamagitan ng ibinigay na halimbawa ng aming guro.

Aralin 3: Buod at Sintesis

Image
 Unang Semestre: Ika-13 ng Abril 2021 Screenshot ng Klase Awtput #3: Suri-Awit Repleksiyon Sa araling ito ay tinalakay namin ang buod, ang sintesis, at ang pagkakaiba ng dalawang ito. Nalaman ko na ang buod ay isang tala na nakalahad sa sariling pananalita ukol sa narinig o nabasa. Samantala, ang sintesis naman ay ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda. Sa araling ito ay natutuhan ko rin kung paano bumuo ng sintesis sa pamamagitan ng pinagawa sa aming awtput na Suri-Awit.

Aralin 2: Sulating Akademik

Image
Unang Semestre: Ika-6 ng Abril 2021  Screenshot ng Klase Awtput #2: Paksaliksik Repleksiyon Ang natutuhan ko sa araling ito ay ang pagsulat ay isang matrabaho at mahabang proseso dahil sa ugnayan at koneksyon nito sa pag-iisip. Magiging matagumpay ang pagsulat kung ang manunulat ay nagtataglay ng limang makrong kasanayan at pag-unawa. Nalaman ko rin ang mga uri ng sulatin tulad ng teknikal, referensyal, jornalistik, malikhain at ang pinakapokus ng aralin – ang akademikong sulatin. Tinalakay rin namin ang ilan sa mga uri nito tulad ng abstrak, sintesis, talumpati at marami pang iba.

Aralin 1: Akademiko at Di-Akademikong Gawain

Image
Unang Semestre: Ika-23 ng Marso 2021 Screenshot ng Klase Awtput #1: Kursograpiks Repleksiyon Tinalakay namin ang aralin patungkol sa Akademiko at Di-Akademikong Gawain.  Ang aking natutuhan dito ay kaya pala akademya na ang bansag, at hindi na eskuwelahan, sapagkat tumutukoy ito sa espisipikong larangan. Nalaman ko rin na mas akmang tawaging iskolar ang mga mag-aaral sa isang akademya. Hindi pala maaaring paghiwalayin ang akademiko at di-akademikong sulatin dahil bukod sa mga facts ay natututo rin tayo sa mga experience ng mga awtor at iskolar.