Posts

Aralin 9: Pagsulat ng Photo Essay

Image
 Ikalawang Semestre: Ika-15 ng Hunyo 2021 Screenshot ng Klase Awtput #9: Photo Essay Repleksiyon Ang natutuhan ko sa araling ito ay ang paggawa ng photo essay. Ito ay dapat na nagpapaliwanag ng isang partikular na konsepto sa pamamagitan ng mga larawan. Dapat ay nakaayos ito ayon sa kronolohikal na pagkakasunud-sunod o damdamin. Natutuhan ko rin ang mga dapat tandaan sa paglikha ng photo essay.

Aralin 8: Pagsulat ng Sulatin

Image
 Ikalawang Semestre: Ika-1 ng Hunyo 2021 Screenshot ng Klase Repleksiyon Ang natutuhan ko sa araling ito ay ang mga bahagi ng isang sulatin at kung ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat nito. Ang sulatin ay nararapat na nagtataglay ng tema, istilo, istruktura, at mga larawang bumubuo rito. Dapat na ito ay organisado, malikhain, at mga ebidensyang sumusuporta rito.  Kahit na wala kaming awtput sa araling ito ay nakatulong pa rin ang araling ito sa pagsulat ko sa ibang asignatura tulad ng Organization and Management at Empowerment Technology.

Aralin 7: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Image
 Ikalawang Semestre: Ika-27 ng Mayo 2021 Screenshot ng Klase Awtput #7: Lakbay-Sanaysay Repleksiyon Ang natutuhan ko sa araling ito ay kung paano sumulat ng isang lakbay-sanaysay, at mga katangian nito upang masabi na epektibo. Ito ay dapat nakabatay sa karanasan ng isang tao upang maging makatotohanan at nagbibigay-kredibilidad. Naglalaman ito ng mga realisasyon at natutuhan sa paglalakbay na iyong isinagawa. Sa aking ginawang lakbay-sanaysay ay aking inilahad ang mga naranasan ko sa lugar na iyon at sa tuwing binabasa ko ang ito ay naaalala ko ang mga natutuhan ko sa pangyayaring iyon.

Aralin 6: Pagsulat ng Agenda/Katitikan ng Pulong

Image
 Unang Semestre: Ika-4 ng Mayo 2021 Screenshot ng Klase Awtput #6: Pagsulat ng Agenda/Katitikan ng Pulong Agenda Katitikan ng Pulong Repleksiyon Ang natutuhan ko sa araling ito ay kung paano gumawa ng agenda at ng katitikan ng pulong.  Ang agenda ay dapat na naglalaman ng mga paksang tatalakayin, mga tagapagsalita at oras na itinakda sa bawat paksa ng gaganaping pulong. Natutuhan ko ang mga hakbang sa pagsulat nito at mga dapat tandaan sa paggawa nito. Ang pagsulat ng katitikan ng pulong ay lubos na mahalaga sapagkat ito ang nagbibigay-katibayan sa mga naganap noong nakaraang pulong. Natutuhan ko rin ang mga bahagi nito at mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong.

Aralin 5: Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Image
Unang Semestre: Ika-27 ng Abril 2021 Screenshot ng Klase Awtput #5: Pagsulat ng Panukalang Proyekto Panukalang Liham Action Plan Repleksiyon  Ang natutuhan ko sa araling ito ay kung paano sumulat ng panimula at katawan ng isang panukalang proyekto. Nararapat na taglayin ng nito ay ang mga benepisyo, mga makikinabang, at layunin. Ang pagsulat ng panukalang proyekto ay dapat na organisado, realistiko, tiyak, at sumasagot sa problema ng komunidad. Sa pangkatang gawain na aming ginawa ay natutuhan kong mahalaga ang opinyon ng bawat isa upang maging maganda ang panukalang proyekto.

Aralin 4: Pagsulat ng Bionote

Image
 Unang Semestre: Ika-20 ng Abril 2021 Screenshot ng Klase Awtput #4: Pagsulat ng Bionote Repleksiyon Sa araling ito ay tinuruan kami tungkol sa bionote. Ngunit bago simulan ang talakayan, nagkaroon kami ng isang group activity. Naatas sa aming grupo ang maghanap ng impormasyon patungkol sa bayograpi. Sa araling ito ay natutuhan ko na ang bionote ay isang maikling tala ng personal na impormasyon. Nalaman ko ang katangian ng isang mahusay na bionote sa pamamagitan ng baligtad na tatsulok – naglalaman ito ng edukasyon, propesyon, karangalan at karagdagang detalye. Natutuhan ko rin kung paano gumawa ng bionote sa pamamagitan ng ibinigay na halimbawa ng aming guro.